Tinolang Itlog

Posted by Jeff |

Hi, kami po ang Tinolang Itlog. Bagong banda lang po kami. Oo nga po pala, bago ang lahat, nais ko lamang ipakilala ang mga miyembro ng banda:

Ako nga po pala si Jeff,
Bahista nila. Magaling mambola. Laging umaarangkada.

Siya naman po si Jzan,
Oras na tumugtog sa gitara, lahat mapapakanta. At kapag humataw, yung ibang gitarista umaayaw.

Eto naman po si Paula,
Ang aming bokalista. Hindi nagpapaawat sa pagkanta. Oras na bumirit yan, lahat nagsisipagkantahan.

At ito, si Mesh,
Ang isa pang gitarista. Kapag nagsisimula na ang kanyang melodya, hindi na siya nagpapaawat pa.

At siyempre, hindi magpapahuli si Jemma,
Siya ang aming tambulero. Oras na siya ay pumalo, ang buong mundo ay guguho.

Muli, kami po ang Tinolang Itlog.